:: TRIBUTE TO
NINOY
Ilang
beses ng tayo'y gimbalin ng isang nagbabantang kudeta. nakakalungkot isipin
na matapos tayong magkaisa at purihin ng ibang bansa dahil sa ating
kabayanihang ipagtanggol ang demokrasya ay patuloy ang ganitong pangyayari,
sadya pa sigurong bata ang ating demokrasya at importanteng matutunan natin
ang isinulat ng ating kasaysayan.
Sa
mga nagdaang taon, ang mithiin lang ng ating mga kababayan ay isang tahimik
na bansa tungo sa kaunlaran, tayo'y lunod at sawa na sa kaguluhan at
pagkakaiba ng pananaw, ang kailangan natin ay pagkain para sa pamilya,
trabaho at mapayapang pamumuhay, hindi maisasakatuparan lahat ng ito kung
dadaanin natin sa isang armadong pamamaraan ang ating idelohiya. Batid ng
ating kababayan ang mga lehitimong karaingan ng iba nating Pilipino, lalo
na tungkol sa kurapsiyon, kahirapan at maling pamumuno ng iba nating halal
ng bayan, ngunit maraming paraan para madaan sa isang legal at mapayapang
solusyon lahat ng karaingan, walang dahilan para hindi sumuporta ang
nakakaraming Pilipino kung alam nila na ang ipinaglalaban ay nasa katuwiran
at nasa wastong pamamaraan.
Isang
magandang halimbawa ay ang ginawang protesta ni Ninoy laban sa isang
makapangyarihang diktadurya, bagamat batid natin na naging bangungot sa
Pilipino ang sumailalim sa Martial law, hindi niya hinimok ang mga
Pilipinong mag-alsa sa isang madugong pamamaraan dahil alam niya na ang
higit na magdudusa ay ang taong bayan at mahirap makipag-kompromiso sa
isang diktador, bagkus, minulat niya ang kaisipan ng bawat Pilipino sa
pamamagitan ng kanyang sakripisyo, nagising ang taumbayan sa realidad
kung paano kahirap mabuhay sa isang diktaturyang rehimen, binigyan niya ng
sapat na lakas ng loob ang bawat Pilipino na ihayag ang kanilang karapatan
na dati rati'y may bahagyang takot dahil na rin sa kapangyarihan ng batas
militar, ngunit nakita nila kung katulad ni Ninoy na nakulong, hinatulan at
pinaratangan sa kasalanang hindi niya ginawa, ay taas noong nanindigan at
tumayo sa ngalan ng demokrasya, tayo pa kayang nakakarami?
Lalong
nag-umapaw ang galit ng taumbayan noong Agosto 21, 1983 ng walang kalaban
labang pinaslang si Ninoy pagbaba ng eroplano, matapos ang ilang taong
pagka-exile sa Amerika. Naging kaliwa't kanan ang "peaceful
protest" ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa, walang tigil ang
"noise barrage" maparamdam lamang ang hinanaing, na ayaw na ng
taongbayan sa isang sikil na kalayaan, at magmula noon, nag-iba na ang
pananaw at kompleksiyon ng bawat Pilipino, na tulad ni Ninoy, ay
handa na rin nila ibuwis ang kanilang buhay alang alang sa demokrasya, wala
ng saysay mabuhay kung ang karapatan mo ay pilit na pinapatay.
At
ang hinahangad na kalayaan ay nakamit noong Pebrero 25, 1986 sa isang
mapayapang "PEOPLE POWER" na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.
Pinakita ng mga Pilipino na kayang magkaisa at supilin ang isang rehimeng
hindi sa pangkahalatan bagkus ay pansarili ang interes.
At
dumaan ang ilang taon pagkatapos ng people power, ay kabit-kabila ang
kudeta na naganap, ngunit dahil sa hindi lehitimo at hindi para sa
nakakarami ang interes, hindi sinuportahan ng taumbayan ang pangyayari at
ito ay hindi naging matagumpay.
Sa
ngayon ay tahimik ang taong bayan, ngunit taimtim na nagmamasid sa mga
kaganapan at galaw ng mga namumuno, at pilit dumadalangin na sana'y huwag
ng maulit ang madilim na kabanata sa ating kasaysayan.